Rizal

No. 2 MWP dinampot sa sexual assault, iba pa

17 Views

Rizal1

TERESA, Rizal–Timbog sa isang restaurant noong Martes ang no. 2 Most Wanted Person sa Rizal sa Brgy. San Roque sa bayang ito dahil sa kasong sexual assault at acts of lasciviousness.

Ayon sa ulat, dakong 2:40 ng hapon noong Setyembre 8, 2026 nadakip ang akusadong si alyas Nonoy ng Teresa Municipal Police Station (MPS), katuwang ang 404th AMC RMFB 4A sa Coffee SWAT and Resto.

Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest na inalabas ni Presiding Judge Maria Josefina Goseco San Juan-Torres ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 79 sa Morong, Rizal laban sa suspek para sa salang sexual assault at acts of lasciviousness.

Walang inirekomendang piyansa sa akusado ang hukuman para sa kasong rape, samantalang may inirekomendang piyansa na P200,000 para sa kasong rape by sexual assault at P200,000 bond para sa acts of lasciviousness kaugnay ng RA 7610 .

Dinala ang suspek sa Teresa police custodial facility para sa kaukulang disposisyon ang suspek.