Calendar
Noche Buena packs distribution sa Manila simula na sa Linggo
SISIMULAN na ni Mayor Honey Lacuna ang 12 araw na pamimigay ng 650,000 Noche Buena packs sa mga maralitang pamilya sa Linggo, Disyembre 1.
Ayon sa alkalde, matapos ang 12-araw na pamamahagi ng mga pang-noche buena, may dalawang araw na bigayan ng mga Christmas boxes sa 176,000 senior citizens sa Disyembre 13-14.
Inanunsyo niya ang balita matapos ang pagpapailaw sa higanteng Christmas Tree sa Kartilya ng Katipunan plaza sa gilid ng Manila City Hall noong Biyernes ng gabi.
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas Tree ang pagpapaliwanag sa mga dekorasyon at parol sa Pasig River Esplanade, Rizal Park, Intramuros, National Museum, Metropolitan Theater at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Bago ang seremonya ng pagpapailaw, inalisan muna ng tabing ng alkalde, bise alkalde at PhilPost Postmaster General Luis Carlos ang bagong labas na Simbang Gabi sa Ilog Pasig commemorative stamp sa publiko.
Sinabi ng alkalde na sana’y magsilbing inspirasyon sa mamamayan na maipakalat ang liwanag at kawanggawa, lalo na sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa malaking sunog sa Isla Puting Bato, Vitas at iba pang lugar na dumanas ng kalamidad.
“There is a donation drop-off center at the Kartilya ng Katipunan where charitable individuals, families, groups, companies and institutions can share relief goods and gifts for calamity victims.
Donations are accepted there Mondays to Fridays from 8:00 a.m. to 5:00 p.m.,” dagdag ng alkalde.