Calendar
NPC: Pamumuno ni Speaker Romualdez isinulong ng todo Bagong Pilipinas ni PBBM
KINILALA ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamumuno nito sa Kamara de Representantes upang maisulong ang mga makabagong reporma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., para mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka, matiyak na sapat ang suplay ng murang pagkain, at maging pundasyon para sa isang maunlad at inklusibong Bagong Pilipinas.
Sinabi ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, chairman ng House committee on agriculture and food at tagapagsalita ng NPC, na ang layunin at direksyon ng pamumuno ni Speaker Romualdez ang nagpatibay sa supermajority ng Kamara at naghatid ng mga batas ni Pangulong Marcos na tumutugon sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng mga mamamayan.
“Speaker Romualdez’s leadership is the cornerstone of the House’s historic achievements. His ability to inspire unity and focus on results has made the 19th Congress a key partner of President Marcos in delivering the Bagong Pilipinas vision,” ani Enverga.
Binigyang-diin niya ang pagpapasa ng Republic Act (RA) No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na nagdedeklara bilang economic sabotage sa agricultural smuggling, hoarding, profiteering at operasyon ng kartel na may parusang habambuhay na pagkakakulong.
“This law is a game-changer for our farmers and all Filipinos who rely on affordable food. It dismantles the decades-long control of cartels and manipulators in the supply chain,” saad pa nito.
“Through Speaker Romualdez’s decisive leadership, we acted swiftly to protect our farmers, uphold market integrity, and secure our nation’s food supply,” wika pa ni Enverga.
Binigyang-diin din niya ang epekto ng RA 12078 na nag-aamyenda sa Rice Tariffication Law upang palawigin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031 at itaas sa P30 bilyon ang taunang alokasyon na pantulong sa mga magsasaka mula P10 bilyon.
“This law demonstrates our commitment to empowering rice farmers. Tripling RCEF funding equips them with the tools and resources to compete globally while ensuring rice availability for every household,” giit pa ni Enverga.
Sinasaad ng batas ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng bigas kung kinakailangan, lalo na kung may kakulangan sa suplay o pagtaas ng presyo sa bansa.
“This balanced approach, championed under Speaker Romualdez’s guidance, addresses food security concerns while protecting local farmers,” paliwanag pa ni Enverga.
Pinuri din ni Enverga si Speaker Romualdez sa pangunguna sa supermajority coalition ng Kamara, na kinabibilangan ng NPC, upang ipasa ang 61 sa 64 na prayoridad na panukala na tinukoy ni Pangulong Marcos at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
“Speaker Romualdez has set an unprecedented standard for legislative productivity, guiding the House to enact laws that transform lives, foster economic recovery, and drive national development. His leadership proves how Congress can drive real change,” sabi ni Enverga.
Gayundin aniya ang pagsisikap ng pinuno ng Kamara na matiyak na mayroong pananagutan ang mga opisyal sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura at panlipunan.
“Speaker Romualdez’s commitment to good governance guarantees that the laws we pass are implemented effectively and benefit those who need them the most,” dagdag pa ng mambabatas.
Sa pagsulong ng bansa, nanawagan si Enverga na ipagpatuloy ang pagtutulungan upang mapakinabangan nang husto ang epekto ng mga repormang ito.
“Speaker Romualdez has shown us what true leadership can achieve. Together, we must build on this momentum to make agriculture a pillar of national progress,” giit ni Enverga.
“Under his guidance, we will continue to champion the welfare of Filipino farmers and fisherfolk for a brighter future,” dagdag pa ng mambabatas.