MPBL

Nueva Ecija, Rizal agaw eksena sa MPBL

11 Views

NAGPAKiTANG gilas ang Nueva Ecija at Rizal Xentromall sa pagpapatuloy ng Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season pacesetters sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City kamakailan.

Pinayuko ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Basilan Viva Portmasters, 71-66, para sa itala ang ika-dalawang sunod na panalo sa round-robin elimination round ng 30-team tournament, na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao.

Nasungkit din ng Rizal Golden Coolers ang parehong 2-0 card matapos ang 111-81 panalo laban sa Manila Batang Quiapo.

May 2-0 record din ang Pangasinan Heatwaves at Abra Weavers.

Nanguna si Rob Celiz para sa Nueva Ecija, ang 2022 MPBL champion, sa kanyang 18 points, 13 rebounds, 4 assists, 1 steal at 1 block, upang mahirang na “Best Payer 9f thexGame.”

Nakatuwang ni Celiz sima Jaycee Marcelino, na may 18 points, 6 rebounds, 6 assists at 2 steals; Will McAloney, na may 7 points at 9 rebounds; at John Wilson at Jayvee Marcelino, na kapwa may 7 points din.

Ang Basilan, na nalasap ang ika dalawang pagkatalo, ay pinangunahan nina Alex Cabagnot (19 points, 3 rebounds, 3 assists), Sherwin Concepcion (11 points, 4 rebounds), Rabeh Al-Hussaini (10 points, 2 rebounds) at Arwind Santos ( 4 points, 11 rebounds)

Samantala, namuno sina Alday, sa kanyang 27 points, 4 rebounds atb2 assists at Michael Canete, sa kanyang 16 points, 8 rebounds, 3 steals at 2 assists, para sa Rizal ni coach Ralph Rivera.

Nag-ambag din sina Marco Balagtas (11 points, 6 rebounds, 3 assists, 2 steals) at Eric Camson (10 points, 8 rebounds, 4 assists, 3 steals).

Bumaba naman ang Manila sa 1-1 record sa kabila ng 23-point, 8-rebound, 2-steal effort ni Richard Albo at 11-point, 7-rebound, 2-assist output ni Algin Andaya.

Una dito, naungusan ng Valenzuela Classics ang Quezon City Galeries Taipan, 74-66.

Dadayo ang MPBL sa Bataan People’s Center sa Balanga, na kung saan magtutups ang Zamboanga at Sarangani simula 4 p.m., Quezon Province atnCebu sa 6 p.m., at Bataan at General Santos City sa 8 p.m.