MMDA

Number coding sinuspendi ng MMDA

Jun I Legaspi Mar 6, 2023
210 Views

SINUSPINDI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Marso 6.

Ang suspensyon ay bilang tugon sa bantang transport strike ng mga tutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Ang MMDA ay magbibigay din ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaapektuhan ng isang linggong transport strike.

“Nakahanda naman ang Metropolitan Manila Development Authority para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero na posibleng ma-stranded ng isang linggong tigil pasada simula sa Lunes,” sabi ng MMDA.

Ipakakalat umano ng MMDA ang 25 sasakyan nito sa iba’t ibang lugar upang maghatid ng libre sa mga maaapektuhang ruta.