Lakas CMD

Oath taking ng 200 bagong miyembro ng LAKAS-CMD pinangasiwaan ni House Speaker Martin Romualdez

Mar Rodriguez Feb 17, 2023
263 Views

oath takingMartin RomualdezLakas CMDMartin RomualdezPINANGASIWAAN ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang “mass oath taking” para sa mahigit 200 bagong miyembro ng ruling party na Lakas- Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) na binibuo ng mga incumbent at dating local officials mula sa Davao de Oro at Davao del Norte.

“I’m glad that you are here with us and that you have joined the party,” ayon kay Speaker Romualdez, Pangulo ng Lakas-CMD. Ang oath taking rites ay isinagawa sa Tagum City Historical and Cultural Center sa Tagum City, Davao Del Norte.

Binigyang diin ni Romualdez na dalawang Pangulo na ang nagmula sa LAKAS-CMD at kasalukuyang namamayagpag sa larangan politika o dominant party. Kung saan, ipinahayag pa nito sa mga bahong kasapi ng LAKAS-CMD na nasa “mabuting kamay”.

Sinabi ng House Speaker na bunsod ng lumalakas ba puwersa o strength ng LAKAS-CMD. Gagawin aniya lahat ng LAKAS-CMD ang makakaya nito para suportahah si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.’ sa kaniyang Prosperity Agenda.

“Maraming, maraming salamat for your attendance and participation and now your involvement with Lakas,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ang ginanap na “mass oath taking” ay nasaksihan ng mga miyembro ng Lakas-CMD Executive Committee. Kabilang sina Vice President Sara Duterte, ang chairperson ng LAKAS-CMD, dating Pangulo at kasalukuyang Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, at Capiz Gov. Fredenil Castro.