Calendar
Obiena tiyak na sa finals sa Budapest
BAHAGYA lamang pinagpawisan si EJ Obiena bago tuluyang makapasok sa finals ng pole vault event ng 2023 World Athletics Championships sa Budapest, Hungary.
Nagtala si Obiena, na kasalukuyang No. 3 sa mundo, ng 5.55-meters sa kanyang unang attempt, at 5.75-m sa ika-dalawa upang mag-qualify sa finals na gagawin sa Linggo (Manila time).
“It was extremely warm, but we made it to the finals,” pahayag ni Obiena sa kanyang Facebook page.
Umaasa ang 27-year-old Filipino champion mula Tondo na mapantayan or malagpasan ang.kanyang bronze medal finish sa likod nina No. 1 Arman Duplantis ng Sweden at Chris Nilse ng United States sa Eugene, Oregon nung nakalipas na taon.
Kapwa pumasok din sina Duplantis at Nilsen sa finals, kasama sina Kurtis Marschall ng Australia, Jie Yao ng China, Zach Mcwhorter ng United States, Thibaut Collet ng France, Ersu Sasman ng Turkey, Robert Sobera and Piotr Lisek of Poland, Ben Broeders ng Belgium at Claudio Stecchinn ng Italy.
Si Obiena, na nakatitiyak na ng ticket sa Paris Olympics sa susunod na taon, ay hindi pa nabibigo na makarating sa podium ngayong taon at pumasok sa top three sa kanyang huling siyam na kumpetisyon.
Last month, si Obiena ay pumangalawa kay Nilsen sa 5.82 meter sa Monaco leg ng Wanda Diamond League.
Samantala, si Duplantis ay pumang-apat lamang sa kanyang 5.71 meters, kumpara sa kanyang world record na 6.22m.
Tinalo na din ni Obiena si Duplantis sa Brussels Diamond League last September, na kung saan nasungkit niya ang gold sa 5.91 meters.
Si Duplantis ay nakuntento sa silver sa 5.81m.
Gayunman, si Duplantis ay nananatiling athlete to beat sa Budapest.
“Mondo (Duplantis) pushed the quality of pole vault to a high level. It’s very good for the sport, but bad for the other pole vaulters because it’s hard,” pahayag ni Obiena sa mga naunang interviews.
“But I do enjoy competing with him, and we’re pretty good friends,” dagdag ni Obiena, na nakakuha ng ticket para sa Paris matapos itala ang 5.82m standard sa Bauhaus Galan sa Sweden last July.
Bigo naman ang dalawa pang mga Filipino campaigners sa Budapest na sina Eric Shauwn Cray at Robyn Lauren Brown, na kapwa natalo sa men at women 400 meters hurdles.