Calendar

Obligasyon sa pagbabayad ng buwis madali nang tuparin
SINABI ni Sen. Win Gatchalian na mas madali nang tuparin ng mga taxpayers ang kanilang obligasyon dahil ang mga probisyon ng Ease of Paying Taxes (EOPT) Act ganap nang naipapatupad.
“Ang pagkakaroon ng mga digital na mga channels para sa paghahain ng mga income tax return at pagbabayad ng buwis ginawang mas madali para sa mga taxpayers na tuparin ang kanilang mga pangako sa pagbabayad ng buwis.
Nangangahulugan ito na maaari silang mag-file at magbayad anumang oras at kahit saan nila gusto,” sabi ni Gatchalian.
Ayon sa kanya, hindi na kailangan ng mga taxpayers na pumila sa isang bangko o sa tax office na madalas ginagawa noon.
Mas madali na ngayon para sa mga taxpayers na sumunod sa pagbabayad ng buwis.
Sinabi ni Gatchalian na kumpiyansa siya na ang pagpapatupad ng EOPT makatutulong na palakasin ang pagsisikap ng gobyerno sa pangongolekta ng buwis, na isa sa mga layunin ng EOPT.
“Inaasahan natin na makakamit ng gobyerno ang layunin nito na makakolekta ng mas maraming buwis kahit walang ipinapataw na bagong buwis.
Malaking tulong ito para maisagawa ang mga programa ng gobyerno na makakatulong para maiahon sa kahirapan ang marami nating mga kababayan,” pagtatapos niya.