Arestado1

Obrero nagwasiwas ng boga, arestado

Edd Reyes Apr 25, 2025
14 Views

ArestadoSWAK sa rehas ang obrero na naglabas ng baril habang may kaguluhan noong Biyernes sa Caloocan City.

Dakong alas-12:10 ng hatinggabi nang sumiklab ang gulo sa Sitio Matarik, Brgy. 175 Camarin kaya humingi ng tulong ang ilang mga residente sa lugar sa mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Paul Jady Doles.

Nang mag-responde ang mga tauhan ng Cadena de Amor Police Sub-Station 11, inabutan nila ang suspek na may bitbit na baril habang pagala-gala at tila naghahamon sa mga nakaaway.

Nilapitan ng mga pulis ang suspek hanggang makumpiska ang bitbit niyang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na kargado ng isang bala.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.