Bikers Mga kalahok sa LBC Ronda Pilipinas sa Daet.

Oconer, Oranza nagpasiklab sa Daet

Robert Andaya Mar 13, 2022
315 Views

NAGPASIKLAB sina defending champion George Oconer at 2018 winner Ronald Oranza ng Navy- Standard Insurance para tuluyang madomina ang 179.8-kilometer Stage Four ng 11th LBC Ronda Pilipinas sa Daet, Camarines Norte.

Nasungkit ni Oconer ang kanyang unang panalo ngayong taon matapos maitala ang mabilis na oras na four hours, 10 minutes at 12 seconds at pumasok sa Top 10 mula ika-13 pwesto.

“I’m just warming up,”pahayag ni Oconer matapos maungusan sina Mervin Corpuz ng Excellent Noodles (4:10:12) at Arjay Peralta ng Drey (4:10:14) sa karerang
bahagyang naapektuhan ng malakas na pag-ulan.

Hindi din nagpahuli si Oranza matapos pangunahan ang nine-man pack na may oras na 4:10:38.

At dahil dito, umakyat ang 29-taong-gulang na skipper ng Navy sa ika apat na puwesto sa overall standings mula dating ika pito.

“It’s still too early and a lot of things could still happen,” sabi ni Oranza.

Si.Red LBC jersey holder Jan Paul Morales ng Excellent Noodles ay sumabay sa grupo ni Oranza upang manatili sa top spot na may oras na 9:42:37.

Kasunod niya ang teammate na si Corpuz, na may oras na 9:42:57, at Ryan Tugawin, na may 9:43:15.

Pang apat si Oranza sa kanyang 9:44:42 at pang lima ang Excellent Noodles captain at two-time Ronda king Santy Barnachea, sa kanyang 9:44:52.

Kasunod nila sina Go for Gold’s Jonel Carcueva, Jericho Jay Lucero at Aidan Mendoza, na may oras na 9:45:03, 9:45:10 and 9:45:15

Nssa ika siyam na puwesto si Oconer, na may 9:45:18 at nasa ika sampung pwesto si Mar Francis Suxario ng Excellent Noodles, na may 9:45:39.

Ang 212.5km Stage Five ay sisipa ngayon mula Daet hanggang Lucena City.

Ang taunang karera na may nakatayang P3.5 million cash pot at P1 million sa champion ay itinataguyod ng LBC Express, Inc., MVP Sports Foundation, Quad X, Smart, Twin Cycle Gear, Standard

Insurance, Print2Go, Elves Bicycles, Elitewheels, Orome, Maynilad, PhilHydro, Garmin, Petron, Boy Kanin, Green Planet Bikeshop, Prolite, Fujiwara, Black Mamba Energy Drink, Lightwater, LBC

Foundation, PhilCycling at Games and Amusements Board.