OCTA survey: BBM tama ang tinatahak na direksyon

132 Views

NANINIWALA ang nakararaming Pilipino na tama ang direksyong tinatahak ng Marcos administration, ayon sa survey ng OCTA Research.

Sa 4th quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA, 85 porsyento ang nagsabi na sila ay naniniwala na tama ang direksyong tinatahak ng gobyerno samantalang 6 porsyento ang hindi pabor dito.

Sa Visayas, 91 porsyento ang naniniwala na tama ang ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ganito rin ang paniniwala ng 87 porsyento sa Luzon at 84 porsyento naman sa Mindanao.

Sa Metro Manila ay 70 porsyento ang naniniwala na tama ang direksyong tinatahak ng administrasyong Marcos.

Ginawa ang survey mula Oktobre 23 hanggang 27. Kinuha dito ang opinyon ng 1,200 respondents. Ang survey ay mayroong sampling error margin an ±3 porsyento.