Oducado, nanguna sa unagurasyon ng bagong campus ng UPHS

Mar Rodriguez Jul 14, 2025
42 Views

Cong. Tulong Cong. TulongPINANGUNAHAN ni neophyte 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado ang inagurasyon ng bagong gawang campus ng University of Perpetual Help System (UPHS) sa Pueblo de Panay, Roxas Ciy.

Sa ginanap keynote ceremony, sinabi ni Oducado sa kaniyang mensahe sa libo-libong estudyante at mga guro na dumalo sa nasabing okasyon na napakahalaga ng kaganapang ito sa pagpapalawak ng quality education sa lalawigan ng Capiz kasama na ang mga karatig lugar nito.

Sa kaniyang mensahe bilang keynote speaker, binigyang diin ni Oducado ang napakahalagang papel na ginagampanan ng edukasyon sa para sa mga kabataang estudyante sa pamamagitan ng napakalaking ambag na maibibigay nila para sa pag-unlad ng Capiz kasunod ang pabibigay halaga nito sa public-private partnership sa pagsusulong sa edukasyon sa lalawigan.

“This campus stands nlt only as an institution of learning but as a symbol of opportunity for the youth and the sorrounding region,” sabi ni Oducado.

Layunin ng bagong campus na matugunan ang lumalaking demand sa higher education para sa Western Visayas kung saan inaalok ng UPHS ang iba’t-ibang kurso na magbibihat ng de-kalidad na edukasyon.

To God be the Glory