Rep Magsino

OFW Convention and Tourism Center nakatakdang itayo sa Laurel, Batangas

Mar Rodriguez Apr 9, 2025
53 Views

OFW partylistLAUREL, BATANGAS — Puspusan ang paglilingkod ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos nitong pangunahan ang ginanap na groundbreaking ceremony sa nabanggit na lalawigan para sa nakatakdang konstruksiyon ng OFW Convention and Tourism Center.

Nabatid kay Magsino na ang lupang pagtitirikan ng ipatatayong OFW Convention and Tourism Center ay tinatayang nasa 6,000 square meters o isang hektarya na inaasahang magagamit ng mga OFWs para sa anomang uri ng pagtitipon.

Paliwanag din ng kongresista na sa pagsisimula ng konstruksiyon ng OFW Convention Center. Inaasahan pa na matatapos ang pagpapatayo nito sa 2028, tatlong taon mula ngayon na pagtatapos din ng termino ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Ani Magsino, magiging libre naman para sa mga OFWs at seafarers ang paggamit nila ng naturang convention center bilang bahagi ng insentibo o pakunsuwelo para sa kanilang napakalaking kontribusyon sa ekonomiya ng ating bansa.

Sabi pa ni Magsino na ang magiging disenyo ng panloob o interior design ng OFW Convention Center ay halaw sa mungkahi ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco kung saan pino-promote ng mga disenyo nito ang kulturang Pilipino o may tema ng Filipiniana.

Dagdag pa ng mambabatas na ang konstruksiyon ng OFW Convention Center ay tanda ng kaniyang pagsisikap na maibigay sa mga OFWs ang de-kalidad na paglilingkod partikular na aniya sa pagpasok ng 20th Congress.

To God be the Glory