Huli HULI KA – Kulungan ang kinahantungan ng magkalaguyong suspek matapos maaktuhan na magkapatong ang mga ito ng biktima na isang OFW, sa may Ermita, Manila. Photos ni JON-JON REYES

OFW huli si mister nakapatong sa gf

Jon-jon Reyes Oct 9, 2024
11 Views

NAAKTUHAN ng isang bebot na overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang mister na isang 49-anyos na fruit vendor na nakapatong pa sa kanyang lover, Lunes ng gabi sa Ermita, Manila.

Dahil dito, nahaharap sa kasong Concubinage ng Article 334 ng Revised Penal Code ang suspek na si alyas “Antonio” ng Maria Natividad Street, Sta. Cruz, Manila.

Kasamang pinakulong ng OFW na biktima ang lover ng mister nito na si alyas “Jennifer” na 40-anyos na assistant phamacist na taga-Sta. Ana, Manila.

Batay sa ulat ng Plaza Lawton Police Community Precinct, sakop ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District, bandang 11:10 ng gabi nang biglang sinipa ang pinto ng bayaw ng OFW na asawa ni “Antonio,” sa tulong ng dalawang barangay official.

Dito nila naaktuhan ang mga suspek na magkayakap sa kama at ang lalaki ay nakahubad ng pang-itaas na damit, hanggang sa itulak ang suspek kaya nagkaroon ng mga galos sa katawan.

Nagpasaklolo ang barangay council ng Barangay 659 Zone 71 upang kasuhan ang mga suspek, sa tulong ni Police Staff Sergeant Marichu Sibal, ang may hawak ng kaso.