Atty, Falconi

OFW mula sa Saudi Arabia ang pasasalamat kay Millar

Mar Rodriguez Sep 1, 2023
652 Views

Atty, Falconi Atty, FalconiABOT-ABOT ang pasasalamat ng isang distressed Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Saudi Arabia dahil sa tulong at suportang ipinagkaloob sa kaniya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar.

Inilahad ng OFW na si Garry Buensuseco Bugay mula sa Saudi Arabia na hindi umano naging maayos ang kaniyang pagta-trabaho sa nasabing bansa sapagkat ang kaniyang naging amo ay masyadong malupit at hindi sumusunod sa itinatakda ng labor law ng Saudi Arabia o gumagawa ng mga paglabag sa batas.

Ayon kay Bugay, dahil sa mga paglabag na ginagawa ng kaniyang amo. Kaya nagbabayad ito ng penalty o danyos subalit sa kasamaang palad umano ay sa suweldo nila kinakaltas ang danyos na binayaran nito. Kung saan, 1K rial ang ibinabawas sa kanilang sahod kapalit ng binayaran niyang penalty.

“Madalas ay may penalty na binabayaran ang amo naming. Pero ang masama eh’ sa sahod naming kinakaltas ang penalty na binabayaran niya, lumalabas niyan na parang kami ang nagbabayad ng kaniyang penalty,” paglalahad ni Bugay.

Gayunman, nabatid pa kay Bugay na magreklamo man sila ay wala rin naman nangyayari sa kanilang sentimyento nagmi-mistulang tengang kawali lamang umano ang kanilang Arabong amo.

Kaya sa tulong ng kanilang Alkalde sa Samal, Bataan na si Mayor Alex Acuzar. Idinulog nito sa tanggapan ng OWWA Region 3 sa pamamagitan ni Atty. Millar ang masaklap na kapalaran ni Bugay sa kamay ng kaniyang malupit na amo.

Tiniyak naman ni Millar na babantayan at tututukan nito ang kaso ni Bugay matapos ang kaniyang pakikipag-usap kina Mayor Acuzar.

Napag-alaman din ni Millar na bunsod ng kalupitang nararanasan ni Bugay at iba pang kasamahan nito. Napilitan umano silang tumakas sa shop ng kanilang amo papunta naman sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia.

Gayunman, maayos naman nakabalik ng bansa noong March 9, 2023 si Bugay kung saan siya personal siyang sinalubong ni Millar sa Airport.