Magsino

OFW Party List Group umaasang makakalaya si Veloso

Mar Rodriguez May 23, 2023
162 Views

UMAASA ang One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group sa Kamara de Representantes na sa kalaunan ay tuluyan narin makakalaya mula sa napaka-habang panahon na pagkakakulong ang Overseas Filipino Workers (OFW) na si Mary Jane Veloso mula sa bansang Indonesia.

Ipinaliwanag ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na makakabuti para sa kalagayan ni Veloso ang magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia upang pag-usapan ang tungkol sa kaso ng nasabing OFW at ang posibilidad na pagpapalaya dito.

Gayunman, sinabi ni Magsino na bagama’t mayroong sariling batas at proseso ang Indonesia. Subalit mahalaga parin aniya ang magkaroon ng isang dialogo para talakayin ang issue sa kaso ni Veloso gayong matagal na rin umano itong nagdurusa sa kulungan mula 2010 o sa loob ng 13 taon.

“Matagal na din nagdurusa si Mary Jane Veloso. Hindi lamang siya kundi pati ang kaniyang pamilya, kaya’t tayo’y nagpapasalamat kay Pangulong Marcos, Jr. sa atensiyon na na kaniyang ibinibigay sa kaso ng ating kababayan,” ayon kay Magsino.

Sinabi pa ni Magsino na optimistiko siya na magkakaroon ng magandang resulta ang magiging pag-uusap ng mga opisyal ng Pilipinas at Indonesia paraa posibilidad ng pagpapa-uwi kay Veloso.

“Batid natin na mayroong sariling mga batas at proseso ang Indonesia. Subalit kung mayroong pagkakataon na mapag-usapan ang kasi ni Mary Jane ng matataas na opisyales ng Pilipinas at Indonesia. Ito ay magiging isang welcoming development para tuluyan ng makalaya si Mafry jane,” sabi pa ni Magsino.