Magsino

OFW Party List naghatid ng serbisyo sa Arayat

Mar Rodriguez Sep 10, 2024
170 Views

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀) 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝗼𝗸𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗼𝗻𝘀𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗥𝗲𝗽. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗯𝗮𝗴𝗸𝗼𝘀 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼.

Personal na tinungo ni Magsino ang bayan ng Arayat kasama ang buong puwersa ng OFW Party List para maghatid ng serbisyo sa libo-libong residente o mamamayan sa pamamagitan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na isang livelihood program upang matulungan ang mga mahihirap na Pilipino.

Pinasalamatan ni Magsino sina President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa ibinibigay nilang suporta sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda para sa tinatayang 500 benepisyaryo.

Samantala, sa ginanap na budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa 2025 proposed national budget ng Department of Health (DOH), Binusisi ni Magsino ang guidelines ng Integrated Policy Guidelines and Procedures sa implementasyon ng IMRAP sa ilalim ng Joint Memorandum Circular 2017-0001.

Ipinaliwanag ni Magsino na nakapaloob sa IMRAP o ang Inter-Agency Medical Repatriation Assistance Program ang repatriation ng mga documented migrant workers kasama na dito ang mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang mga Filipino na nasa ibang bansa na naglalayong maayos silang makabalik sa Pilipinas.