OFW Party List

OFW Party List nagsagawa ng mental health seminar

Mar Rodriguez Jan 30, 2025
17 Views

IKINABABAHALA ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang epektong idinudulot ng “mental health” hindi lamang para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumaranas ng matinding “stress” bagkos maging sa mga kabataang estudyante.

Ayon kay Magsino, nagsagawa ng mental health seminar ang OFW Party List upang unti-unting lunasan ang problema ng mental health sapagkat hindi lamang ito nararanasan ng mga OFWs kundi pati na rin ang mga kabataang mag-aaral.

Ipinaliwanag ni Magsino na tinalakay sa idinaos na seminar ang matinding epekto ng mental health sa hanay ng mga kabataang estudyante sa pamamagitan ng cyberbullying kung saan ilang kaso ng mga mag-aaral ang kinikitil ang kanilang sariling buhay.

Pinangunahan ng kongresista ang ginanap na seminar habang katuwang naman ng OFW Party List ang Sunfull Foundation ng South Korea sa pagsasagawa nito para sa mga junior at senior highschool ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Las Pinas.

Sinabi ni Magsino na layunin ng isinagawang seminar ay para palaganapin ang kamalayan patungkol sa tamang asal sa internet sa gitna ng laganap na pambabalahura, pagmumura at iba pang mga uri ng pangba-bash laban sa mga gumagamit ng social media.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang OFW Party List Lady Solon dahil sa kawalang respeto ng ilang indibiduwal sa kanilang kapwa kung saan harap-harapang binabastos at bina-bash ng ilang tao sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga fake news.

To God be the Glory