BBM3

OIC sa ERC itinalaga ni Pangulong Marcos

Chona Yu Sep 21, 2024
5 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Atty. Jesse Hermogenes Andres bilang Officer-in-Charge ng Energy Regulatory Commission.

Itinalaga si Andres bilang pansamantalang kapalit ni ERC Chairperson at CEO Monalisa Dimalanta na sinuspendi ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang appointment paper ni Andres noong Setyembre 20.

Nakasaad sa memorandum na awtorisado si Andres na makakuha ng representation and Transportation allowance, Extraordinary at Miscellaneous expenses.

Si Andres ay nagsilbi sa nakaraan bilang Undersecretary sa Department of Justice kung saan ay pinamahalaan nito ang functions ng National Prosecution Service habang humawak din ng directorial positions sa ibat ibang korporasyon.