Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Metro
Oil firms bumanat ng taas presyo ng gs
Edd Reyes
Oct 14, 2024
756
Views
PAGKATAPOS ng katiting na bawas-presyo, big-time price increase ang banat ng mga oil firms simula alas-6:01 ng umaga sa Martes.
Sisipa ang gasolina ng P2.65 kada litro, diesel ng P2.70 kada litro at P2.60 kada litro sa kerosene ng Petron, Pilipinas Shell, Chevron Corporation, Seaoil Philippines at Flying V.
Ganito rin ang price increase ng PTT Philippines, Total Philippines, Unioil Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum at Jetti Petroleum.
Alas-4:01 ng hapon ang simula ng dagdag presyo sa Clean Fuel.
Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ang panibagong dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo nakabatay sa paggalaw ng pang-araw-araw na kalakaran ng langis ng Mean of Platts Singapore (MOPS).
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026
