On-site media coverage sa Malacañang pinaghahandaan na

616 Views

PINAGHAHANDAAN na ng Malacañang ang pagbabalik ng on-site coverage.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles pinaplantsa na ang gagamiting COVID-19 protocol.

“We are finalizing the protocols under Alert Level 1,” sabi ni Nograles.

Inanunsyo ng Malacañang ang pagbabalik ng full on-site capacity operation ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Alert Level 1.

Mula Marso 1 hanggang 15 ay isasailalim sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at 38 iba pang lugar.