Calendar

Online casino gambling ikinabahala
“CASINO sa bulsa ng bawat mamamayan Pinoy?”
Ito ang nakababahalang tanong ni Sen. Francis Chiz Escudero na nagsabing lumalawak na nang husto ang internet gambling platforms sa kasalukuyan na walang pinipiling target, bata man o matanda, babae o lalaki.
Ang nasabing online gambling, ayon pa kay Escudero ay madaling puntahan kung kayat dapat umanong makisawsaw ang gobyerno lalot ang idudulot nito sa aming mamamayan ay perwisyo at siguradong aagaw pa sa kakaanin na lamang ng isang ordinaryong Pilipino sa kanyang hapag kainan.
Ipinunto ni Escudero na kung perwisyo at problema ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay walang pinagkaiba ang PIGOs at dapat lamang aniyang sawatain ito.
“What is sauce for the goose is sauce for the gander,” the Senate leader said. “An anomaly does not cease to be one because Filipinos are doing it.”
“I would like to see government practice the same attention to detail in assessing PIGO as it did with POGO. Hindi ba lahat ng ahensya ng pamahalaan went granular in studying the impact of POGOs on our society?” ani Escudero
“Hindi natin pwedeng hayaang malulong ang ating mga kabataan sa online gambling tulad ng online casino betting na hindi lang nakakasira sa kanilang kinabukasan kundi nagpapalala rin sa problema ng pagsusugal at mental health,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Escudero na paiimbestigahan niya ang buwis na ibinabayad nito at mga datus kung ano ang naging epekto nito sa maraming manlalaro na aniyay malamang na isa na naman maituturin na adiksyon.
“Ang nakikita lang kasi natin ay ‘yung gross revenues, net income ng mga gaming and gambling firms. Pero dapat ilabas ang total na taya na inilalagak ng mga Pilipino across the board and in all platforms,” giit pa ni Escudero.
Base sa tinanggap na ulat ng kanyang opisina, ang kabuuan na online bets o taya ay aabot sa PHP600 billion hangang PHP1 trillion kada taun na doble pa aniya sa kita ng mga popularna fast-food chain sa bansa.
“Mas malaki rin into ng P150 billion sa value ng ani ng palay sa Pilipinas sa loob ng isang taon. I-compute mo ang halaga ng lahat ng baboy, manok, baka, kambing na na-produce sa Pilipinas, mas malaki pa rin ang nataya sa online gaming,” paglalahad ni Escudero.
Ipinunto pa rin SP Escudero na hindi ang kita ang pinakamahalagang pinag uusapan sa isyung ito kundi kung ano ang idudulot sa buhay ng ating mamamayan at sa pamilyang Pilipino.
“Hindi ba addictive ang mga apps ito na pati ang pera pampagkain ng pamilya o pang gatas ng bata ay itataya na lang?“ he said. “At hindi ba totoo na ang tao na sa sugal nagigipit ay sa krimen at kalokohan kakapit?“ giit ng senador.
Nanawagan din siya sa mga tamang sanggay ng gobyerno na maging mapagbantay lalong lalo na sa Department of Education (DepEd) na dapat aniya p na paalalahanan ang mga estudyante hinggil sa panganib ng pagsusugal.