Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Shopping

Online shopping apps hiniling pigilan pagbebenta ng bawal na yosi, vape

12 Views

NANAWAGANG si Senador Sherwin Gatchalian sa mga online shopping platform, kabilang ang Shopee, Lazada, Tiktok Shop, Facebook Market, at Instagram, na pigilan ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na sigarilyo at vapor products, na aniya ay madali sa mga kabataan na ma-access.

“Dapat gumawa ang mga online platform ng hakbang para mapigilan ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto. Kayo ang naging daan o gateway sa paglaganap ng paninigarilyo,” sabi ni Gatchalian sa mga kinatawan ng Shopee at Lazada sa kamakailang pagdinig na isinagawa ng Senate Committee on Ways and Means hinggil sa tumataas na insidente ng ipinagbabawal na kalakalan sa mga excisable products, partikular na ang mga sigarilyo at vapor products.

“Responsibilidad ng mga online platforms na tiyakin na ang mga produktong ito ay hindi mapupunta sa mga kamay ng mga kabataan,” pagdidiin niya.

Ayon kay Gatchalian, ang pagkakaroon ng mga highly regulated products na ito sa online shopping platforms ay maaaring nag-ambag sa pagtaas ng kaso ng paninigarilyo sa bansa, lalo na sa mga kabataan.

Binanggit niya ang isang pag-aaral na isinagawa sa Australia na nagpapakita ng smoking rate kung saan halos limang beses na mas mataas ang bilang ng mga sumubok ng vaping kumpara sa mga hindi kailanman nag-vape. Dito sa Pilipinas, lumabas sa datos ng Department of Science and Technology (DOST) Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na ang mga bagong naninigarilyo ay tumaas sa 9.53 milyon noong 2023 mula 2021. Sa pigurang ito, 1.13 milyon ang mga kabataan, o mga nasa edad 10 hanggang 19 taon.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang mga online platform ay dapat ang unang linya ng depensa sa pagpigil sa mga kabataan na ma-access ang mga produktong may panganib sa kalusugan tulad ng mga sigarilyo at vape. “Alam ng mga online platform ang lahat ng mga produkto na nai-post at ibinebenta sa kanilang mga site. Kung pinahihintulutan ng mga naturang platform ang mga transaksyong ito, pinapalaganap nila ang mapaminsalang gawaing ito,” aniya.

Bukod sa batas ng Sin Tax Reform, sinasaklaw ng Republic Act 11967 o ang Internet Transaction Act (ITA) ang pagbebenta ng mga produktong ito sa mga online shopping platform. “Ang mga produktong ito ay highly regulated items at isinabatas natin ang ITA para maiwasan ang ganitong mga problema,” dagdag niya.