Operasyon ng EDSA busway pagagandahin

196 Views

NANGAKO si Transportation Secretary Jaime Bautista napatuloy na pagagandahin ang operayson ng EDSA Busway upang maging komportable ang biyahe ng mga pasahero.

Ayon kay Bautista, nais ng DOTr na makasunod sa international standards ang busway na dumaraan sa EDSA na isa sa pinakamatrapik na kalsada sa bansa.

“The DOTr will continue to improve the services and infrastructure of the EDSA Busway. The EDSA Busway must conform to international standards. There’s a lot to do here,” sabi ni Bautista sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Tramo station ng EDSA Busway.

Sinabi ni Bautista na dumami ang mga pasahero na tumatangkilik sa EDSA busway at isa sa dahilan ay ang pagganda ng serbisyo nito.

“As more passengers being catered by the busway system, we need to improve its efficiency,” sabi pa ng kalihim.

Nasa 389,579 ang mga pasahero na gumagamit ng EDSA busway araw-araw.