Calendar
Source: File photo
Provincial
Operator ng sugalan, 17 pa, nalambat
Bernard Galang
May 30, 2025
506
Views
ARESTADO ang umano’y operator ng ilegal na pasugalan at 17 iba pa noong Huwebes sa raid sa Brgy. Bulaon, San Fernando Pampanga.
Sa ulat ni P/Col. Jay Dimaandal, hepe ng San Fernando police, kinilala ang operator na si alyas Laqui, 55.
Nakilala naman ang 17 pang naaresto na sina alyas Mante, 52; Lopez, 27; Lito, 45; Ambao, 53; Delio, 47; Jay, 39; Piyok, 45; Taba, 54; Lina, 72; Rey, 37; Mavic, 49; Castro, 54; Tofila, 60; Robin, 63; at Calas, 38.
Nasamsam ng mga miyembro ng Intel Section ng San Fernando City police sa raid ang playing cards at tayang pera na nagkakahalaga ng P17,651.
Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa PD 1602.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

