EDSA

Opisyal ng EDSA Shrine, pinabulaanan ang reklamo ng kampo ni VP Duterte

43 Views

PINABULAANAN ng EDSA Shrine Rector na si Fr. Jerome Secillano ang alegasyon ng mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte na sila’y pinalayas mula sa nasabing simbahan. Sa isang pahayag ngayong Martes, nilinaw ni Fr. Secillano ang nangyari noong Linggo, Nobyembre 26, kung saan daan-daang tao ang dumagsa sa Shrine.

Ayon kay Fr. Secillano, “As early as 6:00 AM, people trooped to EDSA Shrine for reasons only known to them, and for some, unknown to them.” Malugod aniya silang pinapasok at nakilahok pa sa 7:00 AM misa.

Pagkatapos ng misa, nanatili ang grupo at muling nakadalo sa 12:15 PM misa. “We were glad that they filled-up the pews which do not normally happen on weekdays,” dagdag pa niya.

Pinaalalahanan din ni Fr. Secillano ang lahat na manatiling maayos at iwasan ang mga hindi angkop na aktibidad sa loob ng Shrine. “They won’t be allowed to eat, drink, carry slogans, shout, vlog, sleep, make noise, debate and loiter in the areas leading to the doors of the shrine,” aniya.

Pinalinaw ng Rector na ang Shrine ay nananatiling bukas para sa pagsamba, ngunit hindi dapat magdulot ng gulo o maling impresyon sa mga deboto at mananampalataya.

“We insist that proper decorum be practiced in this sacred place, a house of worship and a repository of the Blessed Sacrament,” diin niya.

Sinabi rin ni Fr. Secillano na magpapatuloy ang normal na operasyon ng Shrine at hindi ito magiging balakid sa sinumang grupo o indibidwal basta’t susundin ang tamang asal.

“Let us all pray that whatever may have caused this sudden surge in the number of ‘shrine-goers’ be dealt with utmost sobriety and decency,” aniya.

Nanawagan din siya sa lahat na magdasal para sa pagkakaisa ng bansa. “Let us invoke the Holy Spirit to give wisdom and understanding to all parties concerned… Lastly, let us invoke our Lady of EDSA, Queen of Peace, to bring peace to our country and to each one,” pagtatapos niya.