Calendar
Opisyal ng gobyerno na winaldas pondo ng kanilang ahensiya dapat lamang papanagutin
๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐ฅ๐ฒ๐ฝ. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ด๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด “๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฑ๐ฎ๐” ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฎ.
Kinatigan din ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang ibinigay na babala ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na hindi kukunsintihin ng Kamara de Representantes ang maling paggamit sa pondong galing buwis ng mamamayan.
Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na kinakailangan talagang bantayan ang bawat ahensiya ng gobyerno para tiyakin na nagagamit nila ng maayos at tama ang kanilang pondo hindi gaya ng ginawa umano ng Office of the Vice President (OVP) kung saan hindi nila maipaliwanag ng maayos kung saan at papaano nila ginasta ang kanilang budget mula noong 2022.
Paliwanag ng kongresista na mayroong pananagutan ang bawat government agency kasama na ang Kongreso na maging “accountable” sa pondong ipinagkakatiwala sa kanila. Kaya obligasyon din nila na huwag lustayin ng walang pakundangan ang pera ng taumbayan para lamang sa kanilang pansariling kapakanan at interes.
Magugunitang nagbigay ng kaniyang privilege speech si Valeriano sa Plenaryo ng Kamara de Representantes para batikusin ang naging masamang asal ni Vice President Inday Sara Duterte sa pagharap nito sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations para sa kanilang 2025 proposed national budget.
Ayon kay Valeriano, hindi maipaliwanag ni VP Sara kung papaano nito ginastos ang badyet ng OVP kaya idinaan na lamang nito sa pabalang-balang at pabalagbag na sagot ang mga tanong sa kaniya ng mga kongresista para sadyang makaiwas sa masusing pagbusisi sa pondo ng OVP.
Muling binigyang diin ng kinatawan ng Maynila na tungkulin ng Kongreso na busiing mabuti ang panukalang badyet ng bawat ahensiya ng gobyerno kabilang na ang OVP.