Calendar
Option ng pasyente na bumili ng gamot sa labas ng ospital isinulong
NAIS ng 1-PACMAN Party List Group na maibsan ang problema ng mga mahihirap na pasyente na nabibigatan sa napaka-mahal na gamot na nire-reseta sa kanila ng mga doktor. Kaya naman inihain nito ang isang panukalang batas sa Kongreso para mabigyan sila ng “option” upang makabili ng kailangang gamot sa labas ng ospital.
Dahil sa suliraning kinakaharap ng mga “indigent patients”, isinulong ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D. ang House Bill No. 827 para mabigyan ng karapatan ang mga pasyente na makabili ng gamot sa labas ng ospital o sa isang pharmacy.
Sinabi ni Romero na sa ilalim ng HB No. 827, inoobliga ang mga ospital pribado man o pampubliko na abisuhan ang kanilang mga pasyente na may karapatan silang bumili ng gamot sa labas ng ospital bago pa man magbigay ng reseta ang isang doktor.
Ipinaliwanag ni Romero na ang pagkakaroon ng “option” at alternatibo ng isang mahirap na pasyente ang magbibigay sa kaniya ng proteksiyon para hindi siya mabigatan o mahirapan sa napaka-mahal na presyo ng gamot na nire-reseta sa kanila ng mga doktor.
Binigyang diin ng kongresista na kadalasan ay sa napaka-mahal na presyo ng gamot nasasadlak sa napakalaking gastusin ang mga mahihirap na pasyente at hindi sa gastusin nila sa ospital. Dahil narin sa kakulangan nila sa budget para sa mga ire-resetang gamot.
This bill seeks to strengthen the right of patients to buy drugs and medicines from outside hospital and medical clinic pharmacy by requiring hospitals and medical clinics to inform their patients of such right before the drug or medicine is administered to the patient,” paliwanag ni Romero.