Ortega

Ortega: 2025 national budget sinisira para maibalik P2B pondo ni VP Sara

28 Views

KINONDENA ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega ng La Union ang pagpapakalat umano ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng maling impormasyon kaugnay ng 2025 national budget na isa umanong hakbang para maibalik ang bilyun-bilyong pondo ni Vice President Sara Duterte.

“Former President Duterte’s allegations of ‘blank appropriations’ in the 2025 budget are pure disinformation. This is a deliberate effort to mislead the public and manipulate the budget process to bring back the P2 billion fund previously allocated to the Office of the Vice President,” ani Ortega.

Ayon kay Ortega lumang tugtugin na ang pagpapakalat ng fake news gamit ang mga internet troll upang mamanipula ang pag-iisip ng publiko.

“Lumang style na ng mga internet troll ang magpakalat ng kasinungalingan. Pero ngayon, mas maalam na ang mga tao kung alin ang totoo at alin ang peke,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Ortega na sumailalim sa masusi at konstitusyunal na proseso ang 2025 budget bago ito pinirmahan upang maisabatas.

“The so-called ‘blank allocations’ are a fabrication meant to sow confusion and undermine the administration’s commitment to fiscal transparency and accountability,” giit pa ng solon.

Matatandaan na tinapyas ng Kongreso ang budget ng Office of the Vice President ngayong taon. Mula sa P2 bilyong budget noong 2024 ay binigyan lamang ito ng P733 milyon na naglalayong maging transparent at may pananagutan ang paggamit ng limitadong pondo ng gobyerno.

“Let’s set the record straight – there are no blank allocations in the budget. The reductions made were necessary to ensure that government funds are properly utilized and directed to priority programs that benefit the Filipino people,” sabi ni Ortega.

Inakusahan ni Ortega si Duterte na tinatangkang sirain ang proseso ng pagbabadyet upang ma-invalidate ang 2025 national budget at ang gamitin ng gobyerno ay ang 2024 national badget kung saan may P2 bilyong pondo ang OVP na pinamumunuan ng kanyang anak.

“This sudden concern for budget integrity is laughable, especially given the unresolved corruption scandals during Duterte’s term, such as the Pharmally fiasco,” sabi pa ni Ortega.

“This is nothing more than a desperate ploy to regain control over public funds.”

“The 2025 budget has been crafted to serve the people effectively and efficiently,” dagdag pa ni Ortega.

Iginiit rin ng mambabatas ang pangako ng administrasyon na tiyakin na gagastusin ang bawat piso ng pondo ng gobyerno para sa pag-unlad ng bansa.

“Ang administrasyong ito ay nakatuon sa tamang paggastos at walang itinatagong pondo. Huwag tayong magpalinlang sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan.”

Hinamon din ni Ortega ang publiko na maging mapagmatyag at huwag basta magpadala sa paninira lalo at papalapit na ang halalan.

Hinamon din ni Ortega ang publiko na maging mapagmatyag at huwag basta magpadala sa paninira lalo at papalapit na ang halalan.

“This administration is focused on progress, and we will not let baseless accusations derail our efforts to provide quality services to Filipinos,” giit ng mambabatas.

“The Filipino people deserve a government that works with integrity and transparency, not one that thrives on lies and deception,” saad pa ni Ortega.