Shabu DROGA, DROGA PAANO GINAWA–Nagsagawa ng inventory ang Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa mga droga na na-intercept sa isang warehouse sa Pasay City noong Hunyo 28. Kuha ni Joseph Muego

Outbound parcel na may lamang P2M shabu nasabat sa warehouse sa Pasay

108 Views

MAHIGIT P2 milyong halaga ng shabu mula sa outbound parcel ang nasabat sa isang warehouse sa Pasay City ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Ninoy Aquino International Airport-Philippine Drug Enforcement Agency (NAIA-PDEA).

Ayon sa inventory, aabot sa P2,093,720 ang halaga ng illegal na droga ang nasabat sa isang warehouse sa DHL sa NAIA complex sa Pasay.

Unang nasabat ng mga operatiba ang parcel na idineklarang documents- general business na padala ng isang residente ng 296 Arandia St., Tunasan, Muntinlupa na naka consign kay Alagua Amado Jr. ng Arcadia 79 Rome, Italy.

Nakapalaman sa isang makapal na logbook ang 20 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.

Samantala, isa pang outbound parcel ang naharang ng Customs at NAIA-PDEA na padala ng isang residente ng Molino 3, Bacoor, Cavite at naka-consign kay Cui Lin Bo ng Koror Palau.

Idineklarang kitchen wall stickers na naglalaman ng tinatayang 207.9 grams na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,413,720.

Nai-turnover na ng Customs ang mga nasamsam na droga sa NAIA-PDEA para sa tamang dokumentasyon.

JOSEPH MUEGO