DMW

Overseas Employment Certificate libre na—DMW

188 Views

LIBRE na ang Overseas Employment Certificate (OEC) para sa mga balik-manggagawa, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Batay sa memorandum na ipinalabas ng DMW, ang pagbibigay ng libreng OEC ay nagsimula noong Hulyo 29.

Ang OEC ay kailangan ng mga papaalis na Overseas Filipino Workers na nagsisilbing exit clearance ng mga ito.

Ang naturang sertipikasyon ay nagkakahalaga ng P100 at valid lamang sa loob ng 60 araw.

Ang OEC ay maaari ng kunin ngayon sa pamamagitan ng OFW Pass application.

Ang OFW Pass ay kasalukuyang naka-pilot test sa Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Hongkong, Singapore, Malaysia, Oman, Japan, Taiwan, at United Kingdom.