Romero

Puso, tapang ng Gilas Pilipinas pinapurihan ni Romero

Mar Rodriguez Jul 9, 2024
184 Views

๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—›๐—”๐—ก ni ๐Ÿญ-๐—ฃ๐—”๐—–๐— ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฒ๐—น “๐— ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ๐—ฒ” ๐—Ÿ. ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฃ๐—ต.๐——., ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป.

Pagdidiin ni Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, hindi aniya matatawaran ang ipinakitang puso o tapang ng Gilas Pilipinas team bagama’t hindi sila pinalad na makapasok sa Olympics matapos silang matalo sa number 12 na Brazil.

Sinabi ni Romero na hindi na rin masama ang naging “standing” ng Gilas Pilipinas sa nasabing torneo sapagkat ipinakita nila ang kanilang dedikasyon at determinasyon hindi lamang para sa kanilang mga kababayan kundi maging sa harap ng buong mundo.

Ayon sa kongresista, ang ipinakita ng koponan ng Gilas Pilipinas ay isang pagpapatotoo na kahit anong mangyari ay walang inuurungang laban ang mga Pilipino at ang mga Pinoy ay hindi basta-basta sumusuko sa anomang labanan.

Sabi ni Romero, natalo man ang Gilas Pilipinas sa ginanap na tournament ang mahalaga ay ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang puso at dedikasyon para maabot ang kanilang layunin o objective.

Nauna rito, nagpahayag din ng paghanga si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez para sa Gilas Pilipinas sa kabila ng kanilang kabiguan.

“The journey of Gilas Pilipinas is this tournament has been nothing short of inspirational. Their victory against Latvia, a European team was a historic moment for Philippine basketball and a testament to the team’s resilience and capability,” sabi ni Speaker Romualdez.

To God be the Glory