Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Shabu Source: File FB picture

P.1M shabu nakumpiska sa 2 sa 3 nagto-tong its sa Taguig

Edd Reyes Nov 13, 2024
623 Views

KALABOSO ang dalawa sa tatlong “tong-iters” nang makuhanan ng ilegal na droga habang nagsusugal, kalaro ang isang binatilyo, Martes ng gabi sa Taguig City.

Huli sa akto ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Taguig Police Sub-Station 4 habang nagto-tong-its dakong alas-7:10 ng gabi sa Brgy. Sta Ana sina alyas “Crisanto”, 38, alyas “Biviana”, 57, at ang 17-anyos na binatilyong si alyas “Ervin”.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Bernard Yang, nakuha ng mga pulis kina Crisanto at Biviana ang 20-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, habang P500 bet money at playing cards ang nakuha sa mesa na kanilang pinagsusugalan.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Presidential Decree 1602 (Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling) sina Crisanto at Biviana habang paglabag din sa PD 1602 ang isasampa laban sa binatilyo na dinala muna sa Gawad Kalinga.