P.4M na pinutol na copper wire nakumpiska sa 2 lalaki

43 Views

ARESTADO ang limang lalaki dahil sa ilegal na pamumutol ng mga kable at nakumpiska rin sa kanila ng P404,000 halaga ng umano’y mga ninakaw na cable wire sa Quezon City noong Lunes.

Kinilala ang mga nadakip na sina Germalyn Ampalayuhan, 51; Juaco Nico Serrano, 26; Jazz Dean Lopezon, 23; Jhon Philip Loterte, 22, at Daniel Benjamin, 31.

Sa ulat ni La Loma Police Station 1 chief P/Lt. Col. Ferdinand Casiano, bandang alas-4:30 ng umaga nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ilegal na pagputol ng mga copper cable wire sa Mayon St. malapit sa kanto ng Dapitan St., Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.

Rumesponde ang mga pulis at naabutan pa nila ang mga suspek na hinihila ang mga kable na pinutol nila.

Narekober mula sa mga suspek ang 15 piraso ng PLDT PSF copper cables, bawat isa may 2400 pairs x 0.4 gauge sa iba’t-ibang haba, na nagkakahalaga ng P404,621 at bolt cutter na ginamit sa pagputol.

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa R.A. 10515, (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) sa Quezon City Prosecutor’s Office.