Bautista

P1.4B kailangan para maituloy libreng sakay sa bus sa EDSA

249 Views

Kakailanganin umano ng Department of Transportation (DOTr) ng dagdag na P1.4 bilyon para maipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay sa bus sa EDSA hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista makikipag-ugnayan ito sa Department of Budget and Management (DBM) upang malaman kung mayroong pondo para sa pagpapatuloy ng libreng sakay sa EDSA Carousel.

Sa ilalim ng programa ay gobyerno ang nagbabayad ng bus na siyang masasakyan ng libre ng mga mananakay.