Theft Binasahan ng mandamyento de aresto ang suspek na may kasong qualified theft matapos matunton at maaresto sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

P120K piyansa para sa IT supervisor na dinampot dahil ‘nagnenok’

Jon-jon Reyes May 14, 2026
49 Views

TIMBOG ang isang 35-anyos na lalaki ng mga operatiba ng Jose Abad Santos MPD Police Station 7 dahil sa kasong qualified theft matapos maispatan sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue corner Morong Street, Barangay 205, Tondo, Manila, Miyerkoles ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas “Joseph Ken”, 35, may asawa,IT supervisor at residente ng Morong Street, Barangay 198, Tondo.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 2:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PCMS Karlsten C Delfin.

Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa suspek para sa qualified theft na inisyu ni Judge Virgilio V. Macaraig. Inirekomenda ang piyansang P120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang suspek ay dinala sa MPD PS-7 para sa kaukulang dokumentasyon.