Bonoan1

P175B cable-stayed bridge itatayo para iugnay ang Cavite, Bataan

205 Views

ITATAYO ng administrasyong Marcos ang P175-billion cable-stayed bridge na mag-uugnay sa Cavite at Bataan.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na magdadala ng pag-unlad ang panukalang tulay na nagkakahalaga ng P175 bilyon.

“So, with this bridge, I think, you will have better access, a more direct access between these two growth areas and significantly it will actually improve the economic development not only in Luzon but for the entire country,” sabi ni Bonoan.

“Malaki iyong benefits that have been derived. And no less than the Asian Development Bank has indicated that the economic rate of return of this bridge is more than 25 percent and that’s big, that’s really big,” dagdag pa ng kalihim.

Pabibilisin din ng itatayong tulay ang biyahe mula Maynila hanggang Bataan na tatagal na lamang ng isang oras mula sa kasalukuyang tatlong oras.

Inaasahang matatapos umano ang tulay sa loob ng limang taon o bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang itatayong Cavite-Bataan bridge ay may habang 32 kilometro at mayroong apat na lane at itatayo patawid ng Manila Bay.

“And this will be cable-stayed bridge – if you have seen cable-stayed bridges. And the detail engineering is now ongoing, it’s about 70 percent complete,” dagdag pa ni Bonoan. “We told the President that it will be ready within the year actually to break ground the implementation of this very significant bridge.”