Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
P2.5K natangay ng holdaper sa convenience store
Gil Aman
Feb 15, 2025
531
Views
NABIKTIMA ng dalawang holdap suspek ang branch ng Alfamart sa Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna noong Huwebes ng gabi at natangay ang humigit- kumulang P2,500 na kita nito.
Sa ulat ni P/Major Abelardo Jarabejo III, hepe ng Alaminos police, dalawang suspek ang pumasok sa sangay ng Alfamart dakong alas-11:50 ng gabi.
Mabilis tinutukan ang store crew na si alyas Telle, 25. Habang nakatutok ang baril sa crew, kinulimbat ang benta ng tindahan na umabot lamang sa P2,500.
Tumakas ang dalawang suspek patungo sa Calabarzon road sa naturan ding bayan.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

