Calendar
Larawan: PTV
P20 kilo ng bigas dumating na sa Makati
OPISYAL nang inilunsad sa Makati ang ₱20 kada kilo na bigas sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” ng Department of Agriculture, kung saan 750 benepisyaryo mula sa vulnerable sectors ang unahttps://www.facebook.com/share/v/1Xif3uGU4z/ng nakinabang.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., malaking tulong ang murang bigas sa gitna ng tumataas na gastusin dulot ng global oil price volatility.
“During these challenging times, initiatives envisioned by President Marcos, such as the P20 rice program, are a big help for the tight budgets of Filipino families,” aniya.
Saklaw ng programa ang senior citizens, persons with disabilities, solo parents, minimum wage earners, transport workers, at iba pang low- to lower-middle-income households.
Samantala, sinabi ni Nancy Binay na target nilang maipaabot ang ₱20/kilo na bigas sa 30 barangay sa lungsod—posible pa umanong ihatid ito direkta sa mga bahay, lalo na para sa mga senior citizen.
“Kung kakayanin na mayroon kaming set ng sasakyan na mag-iikot,” ani Binay, na binanggit din ang pangangailangang maibsan ang hirap ng matatanda sa pagbubuhat ng bigas.
Gagamitin din ang PBBM Registry System kung saan bibigyan ng QR code ang mga benepisyaryo para masubaybayan ang pagbili sa mga Kadiwa ng Pangulo outlets.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 900 Kadiwa outlets sa 82 lugar sa buong bansa ang may access sa programa, at target itong palawakin sa 1,800 outlets bago matapos ang taon.

