Valeriano

P2,000 graduation gift ni Mayor Honey Lacuna para sa mga graduates ng PLM at UDM

Mar Rodriguez Sep 3, 2024
155 Views

𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗨𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗴𝘂𝗿𝗶𝗮𝗻𝗴 “𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗻𝗶𝗹𝗮” 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩”. 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗗𝗿𝗮. 𝗛𝗼𝗻𝗲𝘆 𝗟𝗮𝗰𝘂𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 “𝗴𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗴𝗶𝗳𝘁” 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗻𝗶𝗹𝗮 (𝗣𝗟𝗠) 𝗮𝘁 𝗨𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗻𝗶𝗹𝗮 (𝗨𝗗𝗠).

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, napakalaking tulong para sa mga mag-aaral ng PLM at UDM ang P2,000 graduation gift ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nakapaloob sa City Ordinance No. 9068 na inaprubahan ni Lacuna.

Sabi ni Valeriano na maaaring maggamit ng mga nagsitapos na estudyante ang halagang matatanggap nila para sa pagpo-proseso ng kanilang job application o mga dokumentong kinakailangan nilang asikasuhin gaya ng NBI at Police clearance at iba pang dokumento.

Ipinahayag ng kongresista na ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Manila na nagkaroon ng “graduation gift” ang lokal na pamahalaan para sa mga graduates ng PLM at UDM na ang pangunahing layunin ay makatulong sa libo-libong mag-aaral ng nasabing paaralan.

Kasabay nito, pinapurihan din ni Valeriano ang mabilis na aksiyon ni Mayor Lacuna sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalinis nito ng iba’t-ibang lugar sa Maynila bilang paghahanda sa pagsapit ng malakas na ulan.