KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
P200K na shabu nasamsam sa tulak
Gil Aman
Oct 31, 2025
413
Views
MAHIGIT P200,000 na halaga ng shabu ang nabawi sa isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga na nahuli ng mga miyembro ng Provincial Drug Enforcement Unit at San Pablo police noong Huwebes sa Brgy. San Isidro, San Pablo City, Laguna.
Nahuli si alyas Ato dahil sa search warrant na ipinalabas ni Judge Agripino Bravo, Executive Judge ng Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Lucena City dahil sa paglabag ng RA 9165, ayon sa report.
Hindi bababa sa 30 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nabawi mula sa suspek.
Nakuha sa bahay ng suspek ang 30 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na P204.000 gayundin ang mga shabu residues, dalawang rolled aluminum foil strip, lighter, gunting at itim na pouch.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

