BOC

P20M smuggled na sigarilyo kumpiskado

260 Views

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P20 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang buy-bust operation sa Davao del Sur.

Ayon sa BOC ang mga sigarilyo ay nakalagay sa 690 master case na iligal na ipinasok sa bansa.

Ang mga ito ay mayroong brand na Absolute Blue, Champion, at EXXE.

“BOC assures the public that it will remain vigilant in protecting the country’s borders against the entry of smuggled goods including cigarettes which disrupt the nation’s tobacco industry,” sabi ng BOC sa isang pahayag.

Pinaigting ng gobyerno ang kampanya nito laban sa smuggled na sigarilyo.