BBM1 AYUDA – Namahagi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng tulong sa mga nasunugan sa Tondo, Manila.

P21M ayuda ipinamahagi ni PBBM sa mga nasunugan sa Tondo, Manila

Chona Yu Nov 30, 2024
52 Views

BBM2PERSONAL na binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga nasunugan sa Delpan, Tondo, Manila.

Bitbit ni Pangulong Marcos ang P21 milyong ayuda.

Galing ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tig-P10,000 ayuda ang ibinigay ni Pangulong Marcos sa 2,100 na biktima ng sunog.

Bukod sa pera, namahagi rin si Pangulong Marcos ng mga food packs, 2,100 na kumot at 2,100 na sleeping mats mula sa Office of the President (OP).

“Hindi po tayo titigil at gagawin [natin] lahat para tulungan kayo dahil alam naman po namin na kahit kayo’y nakangiti at malakas ang sigaw, marami po kayong iniisip kung paano alagaan ang inyong sarili, ang inyong mga pamilya, kung saan kayo uuwi. Alam po namin ‘yun,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pansamantalang naninirahan ang mga nasunugan sa Delpan Evacuation Center sa Barangay 29, Tondo.

Pangako ni Pangulong Marcos, may karagdagang tulong pang matatanggap ang mga biktima bago ang Pasko.

“Pag kayo ay hindi pa namin naiuwi pagdating ng Pasko, ako’y pupunta dito magpa-party, mag me-Merry Christmas tayo, sama-sama. ‘Yan ‘yung pag-udyok ko kay Mayor Honey Lacuna,” pahayag ni Pangulong Marcos.