P25B pamumuhunan inilagak ng DBP sa Maharlika Fund

176 Views

NAGLAGAK ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng P25 bilyong pondo sa Maharlika Investment Fund (MIF), ang kauna-unahang sovereign fund sa bansa.

Ayon kay DBP president at CEO Michael de Jesus ibinigay nito ang pondo sa Bureau of Treasury (BTr) alinsunod sa Republic Act No. 11954 ang batas na lumikha ng MIF.

Nauna ng naiulat na naglagak na rin ng P50 bilyon ang Land Bank of the Philippines sa BTr.

Idineklara naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas-Monetary Board na ang dibidendo ng gobyerno na P31.859 bilyon ay mapupunta rin sa MIF.

Dahil sa pagpasok ng mga pamumuhunan posible umano na maging operational na bago matapos ang Maharlika Investment Corp., ang government-owned company na itinayo upang pangasiwaan ang MIF.