BOC

P3.4M shabu galing Korea tinangkang ipuslit sa bansa

273 Views

TINATAYANG P3.4 milyong halaga ng shabu na itinago sa package na idineklarang diaper bag ang tinangkang ipasok sa bansa.

Ayon sa Bureau of Customs-Port of Clark galing ang package sa Incheon, South Korea.

Pagdating ng package sa bansa ay sumailalim ito sa x-ray scanning kung saan nakita ang organic substance kaya isinailalim ito sa 100% physical examination.

Dito nadiskubre ang limang sachet na naglalaman ng crystalline substance. Sa laboratory test lumabas na ito ay shabu.