Calendar
Source: File photo
Metro
P3.4M shabu nasamsam sa binatang ‘tulak’ sa shabu
Melnie Ragasa Jimena
May 23, 2025
536
Views
AABOT sa P3,438,760 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang binata na natyempuhan sa buy-bust ng mga awtoridad sa Quezon City noong Huwebes.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) officer-in-charge at Deputy District Director for Administration P/Col. Randy Silvio ang naaresto na si alyas Abdul, 22.
Nahuli siya sa entrapment ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng QCPD sa Brgy. Tandang Sora bandang alas-2:55 ng hapon.
Ayon kay P/Maj. Elvin S Ballesteros, OIC ng DDEU, nasamsam sa suspek ang 505.7 na gramo ng shabu na may halagang P3,438,760, isang iPhone 12 at buy-bust money.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

