Barbers

P30B shabu puwede ng gamitin bilang campaign funds – Barbers

Mar Rodriguez Oct 10, 2023
205 Views

INIHAYAG ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace Barbers na puwede ng gamitin bilang pondo sa kampanya o “campaign funds” ang nakumpiskang 4.4 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P30 billion.

Sa pagdinig ng Committee on Dangerous Drugs sa Kamara de Representantes, sinabi ni Barbers na ang nakumpiskang 4.4 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P30 billion ang maituturing na “bloodless ant-drug campaign” ng admimistrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Ayon kay Barbers, ang pagpapasimula ng kanilang pagdinig ay kaugnay sa House Resolution No. 1346 na inihain ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga Cong. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. kaugnay sa nasabat na kontrabando sa Mabalacat, Pampanga noong nakaraang buwan ng Agosto.

Dumalo sa nasabing pagdinig ang mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) upang magbigay ng kanilang testimonya patungkol sa issue.

“I would like to extend my heartfelt felicitations to our law enforcement agencies, the PDEA, NBI and PDEG and the Bureau of Customs. For a very very fruitful campaign against illegal drugs under the administration of President Bongbong Marcos, Jr. all our hard work are bearing positive accomplishments,” sabi ni Barbers.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang nakumpiskang illegal na droga na mayroong street value na P30 billion ay sapat na umano upang pondohan ang kampanya ng mga drig lord sa eleksiyon. Matapos nitong ipahayag na: “This amount can most definitely finance the elections and victory of drug lords in our political arena. Kahit po kampanya pang Presidente.