Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
MPD Ipinahayag ni MPD Director P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang mga naging operasyon ng kanyang mga tauhan sa Manila. Kuha ni JonJon Reyes

P367K shabu nakumpiska ng MPD sa Maynila

Jon-jon Reyes Feb 3, 2025
10 Views

AABOT sa 54 gramo ng shabu na may halagang P367,200 ang nasamsam ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) mula sa mga suspek na tulak sa iba’t-Ibang lugar sa Maynila noong Linggo.

Unang natimbog ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station 13 si alyas Riche, 29, sa Block-158 Baseco compound, Port Area, Manila bandang alas-10:00 ng umaga.

Narekober naman ng mga awtoridad ng Barbosa Police Station 14 ang may 54 gramo ng shabu mula sa suspek na si alyas Awit, 25, na nagkakahalaga ng P367,200 sa Conde St. corner Bilibid Viejo, Brgy. 391, Quiapo, Manila bandang alas-400 ng umaga.

Natyempuhan naman ng mga kapulisan si alyas Mesa, 21, at nabawi mula sa kanya ang isang improvised na baril.

Samantala, natimbog ng mga operatiba ng MPD Moriones Police Station 2 ang isang alyas Jhan Regala matapos makitaan ng pen gun.

Pinuri at pinasalamatan ni MPD Chief Arnold Thomas Ibay ang mga kapulisan ng Maynila sa walang sawang pagsasagawa ng payapa at maayos na mga operasyon laban sa mga kriminal,.