KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
P442K shabu nasamsam sa Nueva Ecija
Bernard Galang
Nov 15, 2025
548
Views
TALAVERA, Nueva Ecija–Naaresto ang pinaniniwalaang tulak at nakuha sa kanya ang humigit-kumulang na P442,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Pinagpanaan, Talavera, noong Biyernes.
Sa ulat kay Police Regional Office-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ang suspek na si alyas Pogoy, 38.
Nasamsam sa suspek ang 11 plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 65 gramo at nagkakahalaga ng P442,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

