Posas

P44K na shabu nasamsam sa 2 suspek sa droga

19 Views

ARESTADO ang dalawang drug suspek dahil sa pag-iingat ng shabu at baril sa Purok 8A, Brgy. Bolbok, Lipa City, Batangas noong Sabado.

Nasamsam sa mga suspek na sina alyas Nelson at alyas Ace ang 6.52 gramo na gramo ng shabu na may halagang P44,336, isang cal. .45 pistol, apat na bala at itim na bag.

Inihahanda na ng mga pulis ang mga kaukulang dokumento laban sa suspek para iharap sa korte.